News and Events

270 magsasaka sa Palawan, tumanggap ng specialized training sa pamamahala ng proyekto
Kabilang sa mga samahan na sumailalim sa specialized training ang mga kababaihang kasapi ng Kasoy Growers and Processing Association mula sa Brgy. Igabas, Magsaysay, Palawan na tinuruan sa pagproseso ng kasoy ng mga kawani mula sa DA-Palawan Research and Experiment Station (DA-PRES)

270 magsasaka sa Palawan, tumanggap ng specialized training sa pamamahala ng proyekto

Upang ihanda ang mga magsasaka sa pamamahala ng mga proyektong may kaugnayan sa paghahayupan at mga pananim, nagsagawa ang Department of Agriculture - Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) MIMAROPA ng specialized training sa pagpaparami ng kambing, paggugulayan, pagpoproseso ng kasoy, pagmamanukan, at entrepreurial mindsetting sa 12 samahan ng mga magsasaka sa lalawigan ng Palawan.

Isinagawa ang mga pagsasanay mula Hunyo hanggang Hulyo sa mga bayan ng Balabac, Agutaya, at Magsaysay, na dinaluhan ng 270 mga magsasaka mula sa mga sumusunod na samahan: Rural Improvement Club Caguisan (20 members); Carwang Danglis Maubas (CARDAMA) Farmers Association (20 members); Villa Fria Farmers Association (25 members); Samahan ng Maralitang Magsasaka ng Sitio Caguisan, Brgy. Salang (25 members); Lacaren Farmers Association (25 members); Villa Sol Farmers Association (25 members); Diit Farmers Association (25 members); Abagat Bangcal Cambian (AbBaCa) Farmers Association (20 members); Rizal Rural Improvement Club (20 members); Rizal-Lucbuan Farmers Livelihood Association (20 members); Kasoy Growers & Processing Association (25 members); at Carwang Danglis Maubas (CARDAMA)  Rural Improvement Club (20 members).

Nagsilbing mga tagapagsanay ang pitong (7) kawani mula sa Regional Integrated Agricultural Research Center (RIARC) MIMAROPA, Office of the Provincial Agriculturist - Palawan, Dairy Production and Development Center (DPDC), DA-Palawan Research and Experiment Station (DA-PRES), at Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) MIMAROPA.

Tumutugma ang pagsasanay sa pamumuhunan sa inisyatibo ng programa na tulungan ang mga komunidad na lumikha ng mga negosyo sa pamamagitan ng paglalatag ng mga koneksyon sa merkado at pagbibigay ng mga ayudang teknikal, habang ang pagsasanay naman sa agriprenuership at naglalayong tiyakin ang kahandaan ng mga benepisyaryo ng programa sa pamamahala ng mga interbensyon mula sa SAAD Program.

Samantala, sinisikap naman ng SAAD MIMAROPA na makumpleto ang pamamahagi ng mga interbensyon para sa bawat proyekto bago matapos ang taong kasalukuyan.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.