RIZAL, JUNE 22, 2021 – Apat (4) na asosasyon ang nakatanggap ng mga makinaryang pangsaka (hand tractor na may kumpletong accesories, pump and engine na may kasamang kumpletong accessories, at mini thresher) mula sa Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development Program (DA-SAAD). Mahigit 200 katutubong magsasaka ang matutulungan nito sa kanilang pagtatanim.
Ang Pangkalikasang Samahan ng Buhid sa Bato-Singit (PSBB FA) ay nabigyan ng dalawang (2) hand tractor na may kumpletong accesories, apat (4) na pump and engine na may kumpletong accessories, at isang (1) mini thresher. Ang Samahang Katutubong Buhid sa Sitio Panlabayan (SKBSP FA) ay nakatanggap ng dalawang (2) hand tractor na may kumpletong accesories, tatlo (3) na pump and engine na may kumpletong accessories, at isang (1) mini thresher. Ang Kalipunan ng Tribung Buhid Lanaban, Kasuyan, at Langog (KTBLKL) naman ay nakatanggap ng (SKBSP FA) ay nakatanggap ng dalawang (2) hand tractor na may kumpletong accessories, at tatlo (3) na pump and engine na may kumpletong accessories.
Ang tatlong samahang ito ay nakatuon sa pagtatanim ng palay at nakatanggap ng certified seeds, mga pataba, mga kasangkapan sa pagsasaka gaya ng araro, kalabaw, at collapsible dryer mula sa SAAD noong 2020.
Samantala, ang Mamamayang Kabalikat sa Pangangalaga ng Kagubatan (MAKAPAKA FA) na nakatuon sa pagtatanim ng luya ay nakatanggap ng isang (1) unit ng hand tractor na may kumpletong accessories. Nakatanggap sila ng ginger planting materials (dilaw at puti) at collapsible dryer mula sa SAAD noong 2020.
Dumalo sa aktibidad sina APCO Gerardo L. Laredo, MAO Jessie Celestino, Mayor Sonny Pablo, Congresswoman Josephine Ramirez-Sato, at Kapitan Bonifacio Custodio. Sumama rin ang 4th Infantry Battalion ng Philippine Army upang matiyak ang seguridad sa nasabing gawain.
“Malaking tulong ang mga makinaryang ito na ibinigay sa amin ng SAAD dahil hindi na kami mahihirapan na manghiram [ng makinaryang pansaka] lalo na’t liblib ang aming lugar. Mas mapapadali na rin ang gawain naming sa bukid kasi malayo ang pinanghihiraman namin [ng mga makinarya],” ani Dino Sebastian, Tribe Mayor ng mga katutubo sa Brgy. Manoot at Chairman ng PSBB FA.
Ayon kay Mario S. Paz Jr., SAAD Area Coordinator ng Rizal, plano ng mga asosasyon na ipagamit ang mga makinarya sa mga miyembro nito kapalit ng napagkasunduang bilang ng kaban ng palay pagdating ng anihan na ilalan ng grupo para sa pagpapanatili ng mga makinarya.
Ang Brgy. Manoot, kung saan matatagpuan ang mga asosasyon ay kabilang sa End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) area sa probinsya.