Ang Kagawaran ng Pagsasaka – MIMAROPA Corn and Cassava Program ay nagsagawa ng FY 2023 1st Quarter Assessment and Planning Workshop FY 2024-2025, ika-10 hanggang ika-14 ng Abril ng taong kasalukuyan sa Odiongan, Romblon.
Layunin ng aktibidad na suriin ang maayos na pagpapatupad ng mga programa, proyekto at aktibidad ng unang quarter ng taon. Gayundin ang presentasyon ng Plan and Budget Proposal mula sa Local Government Unit upang malaman kung ano ang maaring ilinya sa Plans and Budget Proposal ng rehiyon sa taong 2024 para sa epektibong pagbababa ng programa at proyekto para sa magsasaka ng mais at balinghoy.
“Layunin naming i-assess kung ito ba ay na-implement at naibigay ba nila ng maayos sa ating farmer clienteles in support sa kanilang planting and harvesting activities,” sabi ni Engr. Franz Gerwen Cardano, Assistant Regional Focal Person ng Corn and Cassava.
Bawat probinsya ay naglahad ng kanilang accomplishments, production performance at target interventions para sa taong 2024. Nagkaroon rin ng presentasyon ng output ang bawat Provincial Corn Coordinators ng rehiyon mula sa kanilang Workshop on the Updating of Roadmap for FY 2024-2028.
Nagkaroon rin ng presentasyon ng update tungkol Fuel Discount Card at Fertilizer Discount Voucher, Incentives, Philippine Crop Insurance Corporation Programs, at Registry System for the Basic Sectors in Agriculture. Tinalakay rin ang Research for Corn and Cassava Updates and Targets, at ang PAGASA at Philippine Statistics Authority (PSA) Forecast.
“Kailangan lahat ay magkakasama, may suporta, at may constant communication sa lahat upang ma-harmonize natin ang lahat ng programa. Magkaroon rin tayo ng time to acknowledge ang ibang mga kasamahan natin na may ginagawang maganda at maging ang mga probinsya kung may nagawa sila na pwede rin nating i-adopt,” paghihikayat ni Regional Executive Director at Regional Corn and Cassava Focal Person Engr. Maria Christine C. Inting.
Bawat Agricultural Extension Workers ng probinsya ay nagbigay rin ng kanilang plano upang magkaroon ng provincial plan. Naging maganda rin ang resulta ng lahat talakayan tungo sa epektibong pagpapatupad ng programa, proyekto at aktibidad upang makamit ang target na produksyon at magkaroon ng sapat na supply ng mais at balinghoy.
Nagpasalamat naman si Oriental Mindoro Provincial Corn Focal Person Engr. Christian M. Generato sa pagkakataong makadalo sa aktibidad. Ayon sa kanya dito nila nalaman kung ano ang kanilang mga kakulangan, mga pamamaraan kung paano maisasaayos ang kanilang programa, at istratehiyang kailangan nilang gawin upang mgkaroon sila ng magandang produksyon sa kanilang lugar
“Inaasahan nating maisasakatuparan at ma-implement ng maigi ang mga nakalagay sa ating proposal na programs, projects, and activities upang ang tinatarget nating produksyon sa rehiyon ay ma-attain nang magkaron ng sufficiency pagdating sa corn and cassava production,” pahayag ni Engr. Cardano.
Ang limang araw na aktibidad ay dinaluhan ng 63 Municipal AEWs sa buong rehiyon, mga Provincial Coordinators, ilang Municipal Agriculture Officers (MAOs), kasama sina Romblon OIC, Provincial Agriculturist Engr. Al Fetalver, Occidental Mindoro OIC, Provincial Agriculturist Engr. Alrizza Zubiri, Romblon Agricultural Program Coordinating Officer (APCO) Analiza Escarilla, Palawan OIC, APCO Engr. Victor Binasahan sa pangunguna ni DA MIMAROPA RED Engr. Inting.