News and Events

19 na samahang tinutulungan ng SAAD sa Romblon at Palawan, sumailalim sa CapBuild Training
Seryosong nakinig ang mga magsasaka sa Brgy. Poblacion, Balabac kay Bb. Marieta Alvis-Sietas, Regional Field Office (RFO) MIMAROPA Institutional Development Unit (IDU) Head at isa sa resource speakers ng isinagawang capability-building training sa nasabing bayan.

19 na samahang tinutulungan ng SAAD sa Romblon at Palawan, sumailalim sa CapBuild Training

MIMAROPA, July 27, 2023 – Bago tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) sa MIMAROPA, 19 na samahan ng mga magsasaka sa Romblon at Palawan ang sumailalim sa Capability-Building Training (CBT) on organizational development na naglalayong palakasin ang kanilang kakayahan sa pamamahala at pamumuno ng samahan.

Idinaos mula ika-1 ng Mayo hanggang ika-15 ng Hunyo, pinangunahan ang CBT ni Regional Program Management Support Office (RPMSO) Operational Planning Budget, Monitoring and Evaluation (OPBME) Head Marissa DV. Vargas at SAAD Associate Project Officers Maiden Marie M. Segui at Jea Anne S. Gasmeña, kasama ang mga kinatawan ng pamahalaang bayan sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO) at mga opisyales ng barangay na silang tumulong sa koordinasyon at pagpapakilos ng mga partisipante.

Umaabot sa 375 na mga magsasakang naninirahan sa mga bayan ng San Andres, Ferrol, at Alcantara, Romblon, at 85 magsasaka residente naman ng Balabac, Palawan ang dumalo sa pagsasanay.

Bago ang pagsasagawa ng CBT, sumailalim ang mga magsasaka sa Beneficiary Needs Assessment (BNA) na tumukoy sa iba’t ibang agricultural at socio-cultural backgrounds ng bawat samahan.  Base sa resulta ng BNA, karaniwang problema ng mga magsasaka ang mahal na presyo ng mga agricultural inputs at kakulangan sa makinarya upang palakasin ang kanilang produksyon at mabawasan ang gastos.

Pagsasagawa ng CBT sa Romblon at Palawan

Pinangasiwaan ang pagsasanay, na ginanap sa mga lugar na malapit sa mga magsasaka tulad ng barangay hall, ng mga grupong binuo ng mga tagapagpatupad ng SAAD program na kinabibilangan ng dalawang (2) facilitators at resource speaker.

Binigyang diin ng mga naging tagapagsanay na sina Bb. Marieta Alvis-Sietas, Regional Field Office (RFO) MIMAROPA Institutional Development Unit  (IDU) Head at G. Rico D. Mangubat, IDU technical staff, ang kahalagahan ng pagpapanatili ng bukas na komunikasyon sa samahan upang kaagad na matugunan ang anumang usapin na maaaring maging hadlang sa kanilang paglago.  Tinalakay naman ni Engr. Cleo Begaso, Administrative Assistant ng Provincial Program Management Support Office (PPMSO) ang record-keeping at paghahanda ng mga financial statements upang gabayan ang mga  magsasaka sa pamamahala ng pananalapi at mga transaksyon ng samahan.

Kaakibat ng pagsusulong ng maayos na ugnayan sa pagitan ng mga miyembro, naging daan ang pagsasanay upang maipahayag ng mga partisipante ang kani-kanilang pananaw sa loob ng organisasyon.  Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat si Gng. Anelinda Martinez, Presidente ng Doña Trinidad FA sa San Andres sa pagkakataong matuto hinggil sa pamamahala ng samahan.

“Nagpapasalamat po kami ng marami sa inyo na nalaman namin ang lahat ng paraan sa pagpapalakad ng aming asosasyon at lahat ng mga tinuro ninyo sa amin ay masusunod namin. Sisikapin po namin na kaming mga members ng asosasyon ay magkakaisa para mapalago ang aming asosasyon,” saad ni Gng. Martinez.

Patuloy naman ang pamimili at pagkakaloob ng SAAD MIMAROPA ng mga kinakailangang inputs na akma sa mga bawat proyektong pangkabuhayan na kailangan ng mga samahan sa mga naturang lalawigan. Mula sa 19 na target livelihood interventions, lima (5) ang may kaugnayan sa paghahayupan at manukan, pito (7) para sa maisan at palayan, at pito (7) rin para sa high-value crops.

Table 1. Talaan ng mga samahan at mga target na proyektong pangkabuhayan

PROVINCE MUNICIPALITY BARANGAY ASSOCIATION TARGET LIVELIHOOD PROJECT NO. OF MEMBERS
Romblon Alcantara Gui-ob Gui-ob Farmers Association Lowland Rice Production 25
  Poblacion Poblacion Poultry and livestock Association Improved/Free-range/Native Chicken Production 25
  Bagsik Suong Corn Growers Association Corn Production 25
  Ca mili CamiliVegetable Growers
Association
Vegetable Production 25
  Bonlao Bonlao Corn Growers Association Corn Production 25
  SanIsidro San Isidro livestock and Poultry Producers Association Improved/Free-range/Native Chicken Production 25
  Calagonsao Calagonsao Corn Growers
Association
Corn Production 25
FerroI C.M. Recto Claro M. Recto Corn,Cassava,and Vegetable Growers Association Arrowroot Production 25
  Tubigon Tubigon Planters Association Arrowroot Production 25
  Tubigon TubigonVegetable Grower's
Association
Vegetable Production 25
  Hinag-Oman Hinag-Oma n Corn,Cassava,and Vegetable Farmers Association Upland/Traditional Rice Production 25
  Hinag-Oman Hinag-Oma n owland and Upland Integrated Farmer's Association Upland/Traditional Rice Production 25
  Bunsoran Bunsora n Rainfed andIntegrated Farmers Association Lowland Rice Production 25
San Andres Agpudlos Matis-Anon Farmers Association Vegetable Production 25
  Dona Trinidad Dona Trinidad Farmers Association Vegetable Production 25
Palawan Balabac Poblacion 6 RuralImprovement Club Cardama Ready-to-Lay Chicken {Egg
Production)
20
  Salang Samahan ng Maralitang Magsasaka ng Sitio caguisa n,Brgy. Salang Vegetable Production 25
  Salang RuralImprovement Club Caguisan Improved Native Goat
Production
20
  Poblacion 6 Carwang Danglis Maubas Farmers
Association
Improved Native Goat
Production
20

Kasunod ng 19 na CBT ang pagsasagawa ng kapareho ring pagsasanay sa ibang samahan at specialized trainings upang maturuan ang mga samahan sa tamang pamamahala ng mga livelihood projects na ipagkakaloob sa kanila ng SAAD Program.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.