News and Events

16-M Fertilizer Subsidy, unang inilabas para sa 5 libong magsasaka ng Silangang Mindoro
Pamimigay nina Agricultural Program Coordinating Officer Coleta Quindong at Baco Municipal Agriculturist Hilario Bacay ng fertilizer subsidy sa isang magsasaka

16-M Fertilizer Subsidy, unang inilabas para sa 5 libong magsasaka ng Silangang Mindoro

Bilang pagtugon sa pangangailangang pinasyal at abono ng mga magpapalay ng Oriental Mindoro, inilunsad ng Kagawaran ng Pagsasaka ang kauna-unahang batch ng Fertilizer Subsidy Reimbursement Program ng Rice Resiliency Project (RRP) na may nakalaang P16,530,403.29 para sa 4,900 magsasaka nitong Oktubre 5.

Sa pamamagitan nina APCO Coleta Quindong ng DA Satellite Office at mga lokal na pamahalaan ng mga munisipalidad ng nasabing lalawigan, nabigyan ng Notice of Reimbursement ang bawat magsasaka ng Baco (475), Bansud (1,461), Bulalacao (1,136), Gloria (1,309), Pola (3), Pinamalayan (5), at Socorro (511).

Nakasaad sa NoR ang buong pangalan, tirahan, “unique” Reference Code, at kaukulang halaga ng reimbursement na kanilang ipapakita kasama ng isang valid ID upang makuha ang subsidiya sa alinmang sangay o outlet ng M.Lhuillier na malapit sa kanilang lugar.

Magsasakang tumangggap ng fertilizer subsidy sa M.Luillhier - Calapan

Wika ni Baco Municipal Agriculturist Hilario Bacay na isa sa mga namahala ng pamimigay ng NoR sa kanilang munisipyo, “Itong fertilizer subsidy na programa ng Department of Agriculture ay malaking tulong sa mga farmers. After ng series of (zoom) meetings namin (DA at mga tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Oriental Mindoro), naging final na usapan namin na for every 2 bags of urea ay mayroong equivalent na subsidy na P1,037.46. Hopefully ay magtuloy-tuloy ang programa at makatulong din ito para umunlad ang ani ng ating mga magsasaka. Thank you very much at saludo ako sa Department of Agriculture.”

Binigyang linaw ni Rice Technical Staff Menard Alcovera ang naging batayan ng kagawaran sa halaga ng reimbursement at bilang ng mga mga magsasakang tatanggap nito, “Nakabase po ang bilang ng mga farmers sa mga nabigyan ng seeds under ng Rice Resiliency Program na under din ng Bayanihan 1 bilang pang-Covid response. Magpe-present lamang yung farmer ng resibo bilang katunayan na siya ay bumili ng fertilizer upang mapabilang sa listahan ng makakatanggap ng subsidiya.”

Kaniya ring ipinaliwanag na sa isang hektarya ng inbred rice kung saan mangangailangan ito ng 4 sako ng urea, 2 sako o 50% nito ang maaaring mai-reimburse. Kung sa isang hektarya naman ng hybrid rice na mangangailangan ng 5 sako ng urea, 3 sako o 60% nito ang maaaring mai-reimburse.

Lubos itong ikinasaya ng mga magsasakang dumalo sa aktibidad sapagkat sila ay mayroon nang pangkaragdagang gastusin para sa kanilang mga bukirin.

Si Rizaldy Zulueta na isang magpapalay mula Alag, Baco ay nagpahayag ng pasasalamat para sa kaniyang natanggap na subsidiya, “Malaking tulong po ito, yung may pang-abono kung saan sa paggamit nito ay magkakaroon ng magandang ani ng palay dahil sa ganitong oportunidad. Maraming salamat po sa DA.”

Paalaala ni APCO Coleta Quindong na ingatan ang naibigay na NoR at panatilihin ang mga alituntuning pangkaligtasan para sa maayos na pagkuha ng subsidiya sa panahong nakatala o iskedyul na ibibigay ng Municipal Agriculturist Office sa inyong bayan.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.