Nagsipagtapos ang nasa isandaang (100) mga magsasaka mula sa Sablayan, Occidental Mindoro sa School-on-the-air (SOA) on Corn Production ng Department of Agriculture-MIMAROPA na ginanap sa convention hall ng Sablayan, Occidental Mindoro nitong ika-14 ng hunyo.
Bawat barangay ay may tig limang (5) kinatawan para sa soa na mula sa mga barangay ng: Pag-Asa, Lagnas, Victoria, Ilvita, Claudio Salgado, Sta, Lucia, Ibud, Sto. Nino, Paetan, San Francisco, Malisbong, San Nicolas, Gen. Emilio Aguinaldo, Batong Buhay, Burgos, Ligaya, San Vicente, Tuban, San Agustin, At Tagumpay.
Kinilala rin ang limang (5) mahuhusay na magsasaka na sina Melanie Bonilla mula Brgy. Claudio Salgado (top 5), Agnes Doton mula Brgy. Lagnas (top 4), Winelma T. Arimbay mula Brgy. Pag-Asa (Top 3), Romano Sangui Mula Brgy. Ligaya (Top 2), At Elmer Evangelista Mula Brgy. San Vicente (Top 1).
Ayon kay Evangelista, malaking tulong umano sa kanilang mga nagsipagtapos na magmamais ang ginawang ito ng DA dahil nas matuto sila sa pagtatanim at pag-aalaga ng mais upang mas gumanda ang ani nito. dahil din sa gabay ng DA ay mas natuto sila ng tamang paghahanda ng lupa at mga binhi bago itanim sa bukirin. "Marami pong salamat sa tulong ng ating mga farmer technican, sa DA dahil po sainyo at gumanda ang aming sakahan at madami po kaming natutunan sa inyo ukol sa pagmamaisan.” Dagdag pa niya.
Para naman sa dagdag saya ng mga nagsipatapos ng magmamais, nagpamigay din ang Regional Agriculture and Fishery Information Section sa pangunguna ni Ms. San Felipe ng mga kagamitan na mapapakinabangan nila kapag sila ay nasa bukirin. “Nawa po ang mga natanggap ninyong mga regalo mula sa aming tanggapan ay magamit ninyo sa inyong pagsasaka.” Dagdag pa ni San Felipe.
Dumalo sa nasabing seremonya ng pagtatapos sina chief of staff ng DA-MIMAROPA na si Mr. Adele Garcia na kinatawan ni Regional Executive Director Atty. Christopher R. Bañas, RAFIS Head Baby Clariza M. San Felipe, Regional Corn And Cassava Program Focal Person Engr. Franz Gerwen Cardano, Provincial corn program coordinator Edwina Pastrana, Municipal Agriculturist Evelia Licos, Konsehala Clarinda Alvarez At Konsehala Conchita Dimaculangan Mula Sa Sangguniang bayan, at mga agricultural extension workers na nakatalaga sa bawat barangay na kasali.
Ginanap ang School-on-the-Air noong august 4, 2023 hanggang november 3, 2023. Layunin ng programa na maituro sa mga magsasaka ang tamang pamamaraan ng pagsasaka ng mais mula sa pagpili ng binhi hanggang sa pagbebenta ng ani kasama na din ang pagtalakay sa good agricultural practices sa pamamagitan ng pakikinig sa radyo at facebook live. Tumatagal ng 16 na linggo ang pagdadaos ng SOA na pinangangasiwaan ng Farmcaster na si Peter Gallinera mula sa Municipal Agriculture Office ng Sablayan at DJ Menard mula naman sa Radyo Natin Sablayan.