Aabot sa 100 bags ng Corn seeds ang ipinamahagi ng Department of Agriculture - MIMAROPA sa probinsya ng Romblon noong Abril 30, 2020.
Kahit na limitado ang galaw ng mga tao dahil sa pinatupad na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon dahil sa COVID-19 noong Abril, tuloy pa rin ang pamamahagi ng asistensiya ng Regional Corn Program ng mga binhi sa iba’t ibang probinsiya.
Upang maihabol sa pagtatanim ng mais, ang mga nasabing binhi ng mais ay hiniling ng ahensya sa Bureau of Plant Industry (BPI).
“Ang ating pong nirequest na variety ng corn seeds ay OPV Var 6. Humingi po tayo ng assistance sa BPI dahil wala pa po yung procurement natin sa Regional Office. Tayo (Regional office) ang nag ayos ng ipapapdala sa mga barko mula Lucena, Quezon hanggang sa pagdating sa Calatrava Port, Romblon may kinoordinate na kami na mga Corn program staff na magpick up ng mga seeds upang maipamhagi sa mga farmers natin,” wika ni Engr. Inting.
Ayon naman kay Engr. Wally Falcutila, ang Corn Program Coordinator ng Probinsya ng Romblon, bukod sa mga nasabing bags ng mais ay nauna nang magpamahagi ang probinsya ng mga yellow corn at white corn seeds sa mga magmamais sa romblon.
“Bago pa man po dumating ang quarantine, nakapagpamamahagi na po kami ng mga binhi upang maitanim ng mga magsasaka sa kanilang mga taniman.” Wika ni Engr. Falcutila.
Sa kasalukuyan, nakuha na ng mga munisipyo ang mga binhi na dinala sa Calatrava Port. Hinati- hati ang mga binhi ayon sa lawak ng taniman ng mais kada munisipyo at sa demand din nito.
Kaya naman, nakatanggap ng tig-limang bags ang mga munisipyo ng Alcantara, Banton, Cajidiocan, Conception, Corquera, Ferrol, Looc, Magdiwang, Romblon, San Agustin, San Fernando, San Jose, Sta. Fe, at Sta. Maria. Habang ang mga munisipyo ng Odiongan, Calatrava at San Andres ay nakatanggap ng tig-sampung bags ng binhi.
Ang mga binhi naman ay ipamimigay agad sa mga magsasaka sa kani-kanilang mga nasakupang munisipyo upang makapagtanim sila ngayong panahon ng taniman.