Upang pataasin ang produksyon ng gulay sa mga lalawigan ng Romblon at Palawan, 10 samahan ng mga magsasaka ang nakatanggap ng iba’t ibang interbensyon sa ilalim ng Vegetable Production Project ng Department of Agriculture-Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Phase 2.
Pinondohan sa ilalim ng FY 2023, ang nasabing mga interbensyon na nagkakahalaga ng Php3,898,697.80 ay binubuo ng 10 set ng farm tools, 200 litro ng Nitrogen, Phosphorus, Potassium (NPK) liquid and micronutrient fertilizers, 10 plastic crates, anim (6) na plastic drums, 20 rolyo ng plastic mulch, isang pump and engine set, 149 seedling trays, at 88 pakete ng mga binhi ng gulay (Table 1).
Bawat samahan na may tig-25 miyembro ay nagtatanim sa kani-kanilang communal farm na nasa isang ektarya ang lawak at nagsisikap na makamit ang layuning magkaroon ng sapat na suplay ng gulay para sa kanilang komunidad kasabay ng pagkakaroon ng mapagkakakitaan.
Table 1. Mga samahang nakatanggap ng SAAD MIMAROPA FY 2023 Vegetable Production
Province | Municipality | Barangay | Association | No. of Members | Project Cost |
Romblon | Alcantara | Camili | Camili Vegetable Growers Association | 25 | 389,862.78 |
Ferrol | Tubigon | Tubigon Vegetable Growers Association | 25 | 389,862.78 | |
San Jose | Upper Poblacion | Jolyns Vegetables & Fruits Association | 25 | 389,897.78 | |
Santa Maria | Concepcion Norte | Concepcion Norte Farmers and Fisherfolks Assocication | 25 | 389,897.78 | |
Calatrava | Linao | Linao Vegetable and Crop Growers Association | 25 | 389,862.78 | |
San Andres | Agpudlos | Matis-anon Farmers Association | 25 | 389,862.78 | |
Doña Trinidad | Doña Trinidad Farmers Association | 25 | 389,862.78 | ||
Palawan | Agutaya | Villa Fria | Villa Fria Farmers Association | 25 | 389,862.78 |
Balabac | Salang | Samahan ng Maralitang Magsasaka ng Sitio Caguisan, Brgy Salang | 25 | 389,862.78 | |
Magsaysay | Lacaren | Lacaren Farmers Association | 25 | 389,862.78 | |
Total | 225 | 3,898,697.80 |
Project
Ang pagbibigay ng tulong pangkabuhayan sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng mga ayudang pang-agrikultura ay nakatutulong sa mga magsasaka na mabawasan ang kanilang gastos sa produksyon at mapataas ang kanilang kita.
“Nagpapasalamat po ako sa DA na nagkaroon ng ganitong project na makakatulong sa mga kabarangay ko o sa bayan at sa (pag-abot ng) aming mga mithiin na maging produktibo ang aming lupa. Sisikapin namin talaga na makapakinabangan ng lahat (ang proyekto) lalo na ng mga tao sa komunidad namin,” saad ni Gng. Nelinda Martinez, Chairperson ng Doña Trinidad Farmers Association.
Kasalukuyang nakatutok ang mga benepisyaryo sa kanilang paggugulayan habang hinihintay ang pagdating ng iba pang pananim na nakapaloob sa Vegetable Production Project. Nasa 82% na ng kabuuang interbensyon sa ilalim ng naturang proyekto ang naipamahagi ng SAAD MIMAROPA.