Nilagdaan ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor ang isang Executive Order na nagtatalaga sa probinsya bilang “Food Corridor” patungong Occidental Mindoro at Panay Island noong ika-20 ng Marso 2020 sa Kapitolio ng Oriental Mindoro.
Ang nasabing EO ay makakatulong upang mas mapadali ang pagdadala ng pagkain mula sa Mainland patungong Panay Island na kinabibilangan ng mga probinsya ng Aklan, Capiz, Antique at IloIlo at mula sa Oriental Mindoro Palabas ng lalawigan upang makapgsuplay ng pagkain at mga importanteng bagay sa Metro Manila at iba pang probinsyang nagngailangan gaya ng Bulacan at Batangas.
Ayon kay Gov. Dolor, ito ay pagtalima sa adhika ni Pangulong Duterte sa walang humpay na pagdating ng suplay ng pagkain at iba pang mahahalagang produkto tulad ng pagkain ng hayop at mga gamot na mga pangunahing pangangailangang ng mga tao at hayop.
Ang EO na nilagdaan ng punong panlalawaigan ay nagbibigay ng sa mga delivery trucks ng ease of access upang makadaan sa mga checkpoint ngunit dapat pa ring obserbahan ng social distancing na una nang ipinatutupad ng Department of Health (DOH).
Para sa mga delivery trucks, kinakailangan na dalawa (2) lamang ang lulan ng sasakyan na kinabibilangan ng (1) driver at (1) pahinante/ helper upang maobserbahan ang social distancing. At pagating sa mga port o pier, sila ay dadaan pa din sa temperature check at disinfection ng kanilang mga truck na pangungunahan ng DOH at ng Local government units.
Umaasa ang lalawigan sa kooperasyon ng mga truck driver upang mas mapabilis ang pagdadala ng kanilang mga kargamento sa kani-knailang destinasyon.