News and Events

CPAFEP ng Marinduque, Sinuri na; Co-Finacing/Co-Sharing Agreement, tinalakay
Ang Province-led Management Committee ng Marinduque sa pangunguna ng Chairman, Gov. Presbitero J. Velasco, Jr.(harapan, pang-anim mula sa kaliwa) at DA MIMAROPA (Co-Chair) sa pamumuno ni Regional Executive Director Antonio G. Gerundio (pangpito) at BFAR (Co-Chair) na kinakatawan ni Assistant Regional Director Roberto Abrera (pangatlo mula sa kanan).

CPAFEP ng Marinduque, Sinuri na; Co-Finacing/Co-Sharing Agreement, tinalakay

Matapos ang ilang linggong pagbuo at pagsasaayos ng Collaborative Agriculture and Fisheries Extension Programs (CPAFEP) ay inilahad at sinuri na ito kasabay ng diskusyon ukol sa Co-financing/ Co-sharing Agreement sa probinsya ng Marinduque. Ito ay ginanap noong July 11-12, 2022 sa Balar Hotel and Spa, Boac, Marinduque.

Kasama sa dalawang araw na aktibidad si Dr. Rex L. Navarro, Consultant at Technical Working Group Member ng Province-Led Agriculture and Fisheries Extension Systems (PAFES) Coalition Agriculture Modernization in the Philippines mula sa Department of Agriculture (DA) Central Office. Personal niyang sinuri ang presentasyon ng Local Government Units (LGUs) ng commodities na kabilang sa CPAFEP.

Tinalakay rin ni Dr. Navarro ang Co-financing/ Co-sharing Agreement na isang mahalagang phase sa pagpapatupad ng PAFES. Hinikayat niya ang lahat na pagtiyagaang gawin ang Work and Financial Plan (WFP) sapagkat ito ang magiging basehan ng co-financing. Ang WFP at CPAFEP rin ang magiging basehan sa paggawa ng pangalawang memorandum of agreement.

Larawan ni Dr. Rex L. Navarro, Consultant ng PAFES, habang tinatalakay ang Co-financing/Co-sharing Agreement.

“Ang co-financing ay hindi legislated, ito ay by negotiation ng PAFES ng probinsya at ng DA MIMAROPA, BFAR at iba pang ahensya sa konseho,” paglilinaw ni Dr. Navarro.

Kabilang rin sa mga sumusuri ang isa pang Consultant ng PAFES na si Dr. Santiago Obien, PAFES Focal Person/Regional Technical Director (RTD) for Operations Engr. Elmer T. Ferry, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Assistant Regional Director Roberto Abrera at ang dating DA Assistant Secretary at kasalukuyang consultant ng probinsya na si G. Edilberto de Luna. 

Nagpasalamat naman si Gov. Presbitero J. Velasco Jr., Chairman ng PAFES, sa kagawaran sa paglulungsad ng PAFES na tumutulong sa pagpaplano, pag-oorganisa at sa pagbuo ng istratehiya para sa tamang direksyon nito sa pakikipagtulungan na rin sa mga ibang stakeholders. 

“Very challenging ang mga darating na panahon kaya ako natutuwa na nandito na ang PAFES. Ngayon ay mas malaking pondo ang naibibigay sa agrikultura at ngayon sa pamamagitan ng pananaliksik ay may nakikita na tayong malaking potensyal sa ating mga katubigan dahil tayo ay island province,” sabi ni Gov. Velasco.

Binigyang diin ni Gov. Velasco ang kahalagahan ng research and development sa paghahatid ng serbisyo at sa pagpapatupad at pagsasagawa ng mga aksyong makakatulong sa pag-unlad ng probinsya. 

"Considering the issues involving food security, it is now a call of time for us to strategize and craft innovative programs and interventions to turn our agriculture to agri-based industry to adapt in the fast modernization in our world and make our farmers an agri-entrepreneours. Research and development plus modern technology and innovation are now the key to improve agri-based industry," dagdag ni Gov. Velasco. 

Binigyang pansin naman ni DA MIMAROPA Regional Executive Director (RED) Antonio G. Gerundio ang potensyal ng industriya ng pagniniyugan dahil sa lawak ng area nito sa probinsya kahit ang pangunahing hanapbuhay dito ay turismo. Inaasahan rin niya ang tulong ng Department of Trade and Industry at Department of Science and Technology sa paggawa ng innovative business models para sa mga magsasaka.

“Maraming aayusin sa implementation of Madanas pero sa pamamagitan ng PAFES, co-planning, co-financing and co-sharing ay mapagtatagumpayan natin ito,” sabi ni RED Gerundio.

Hinikayat  naman ni RTD for Research and Regulations Christine C. Inting ang lahat na huwag papalagpasin ang oportunidad na binibigay ng kagawaran katulad ng programang F2C2.

“Maliit ang area of production ng Marinduque ngunit kapag pinagsamasama sila [magsasaka] ay maganda ang kalalabasan at malaki ang magiging area. Sila sa ibaba ang ating kakampi kaya sila ang dapat nating tutukan, i-organize and i-capacitate,” sabi ni RTD Inting.

Ibinahagi naman ni Dr. Navarro na dito nila unang natunghayan sa probinsya ng Marinduque ang pamumuno ng gobernador sa management meeting ng PAFES. 

Sa ginawang pagpupulong na pinangunahan ni Gov. Velasco ay napagkasunduan na gawing Center Director ng PAFES si G. Edilberto de Luna. Nagkaroon rin ng presentasyon ng Secretariat at pagpili ng mga miyembro ng iba't ibang Commodity Teams (Crops, Livestock, Fisheries, Extension Communication, Agri-business, Agri-Infra, Community Organization).

Larawan ng pagpupulong na pinangunahan ng Chairman ng PAFES, Gov. Presbitero J. Velasco, Jr.

Kasama rin sa aktibidad si Agricultural Program Coordinating Officer Dr. Lucilla J. Vasquez, anim (6) na Municipal Agriculture Officers, League of. Municipal/City Agriculturists of the. Philippines (LEMCAP) President Ederlina V. Jasmin, Provincial Agricultural and Fishery Counci (PAFC) Chairman Antonino L. Manuba, kinatawan ng Department of Interior and Local Government, Philippine Coconut Authority, Philippine Crop Insurance Corporation, Agricultural Training Institute – MIMAROPA, National Irrigation Administration, Cooperative Development Authority, National Food Authority, Land Bank of the Philippines, Marinduque State College, AGREA, at Phil Rural Reconstruction Movement.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.