Ang Kagawaran ng Pagsasaka-MIMAROPA katuwang ang Rice Program ay namahagi ng tatlong (3) units ng combine harvester sa Lokal na Pamahalaan ng Palawan.
Naganap ang turn-over ng mga harvester noong June 23, 2020 kung saan ibinigay ni RED Antonio Gerundio ang certificate of turn-over kay Palawan Gov. Jose Alvarez.
Ang mga harvester na ito ay bahagi ng programang “On-Farm Mechanization Program: Provision of Farm Mechanization Facilities and Equipment to Farmer Associations.”
Bawat harvester ay nagkakahalaga ng P2.245M. Ang dalawang harvester ay ipinagkaloob sa Provincial Food Terminal na matatagpuan sa Brgy. Bono-bono, Bataraza, Palawan at ang isa naman ay ipinagkaloob sa Matatag PGP Cares Farmers Association ng Brgy. Magara at Brgy. Tagumpay, Roxas, Palawan.
Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo ng mga combine harvester na ito. Malaking tulong ito sa mga magsasaka ng Palawan.
“Malaking tulong po ito sa pag address sa aming problema brought about by the Rice Tariffication Law. Nakaisip ng concept ang ating Provincial Government na tinitingnan kung paano makakatulong ang province with the help of the Department of Agriculture na kahit papano ay makaintervene yung government. Nakita namin na isa sa intervention na kailangan is yung harvester. Ipapahiram namin ito sa farmer with a very minimal cost. Ang balak rin kasi namin ay bibilihin yung produce ng farmer at a reasonable price,” Ayon kay G. Rodel Cabintoy, designated project supervisor ng Provincial Food Terminal.
“Sa ngalan po ng barangay ng Magara, Roxas, Palawan kasama po ang lahat ng farmers association, lubos lubos po ang aming pasasalamat sa Department of Agriculture at provincial government para sa harvester