News and Events

Pamamahagi ng RFFA, tuloy pa rin sa gitna ng COVID-19
Pagpapasa ng requirements para sa Financial Assistance ng isang magpapalay.

Pamamahagi ng RFFA, tuloy pa rin sa gitna ng COVID-19

Tuloy pa rin ang pamimigay ng P5,000 tulong pinansiyal ng Kagawaran ng Pagsasaka mula sa programang Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) sa Naujan, Oriental Mindoro sa kalagitnaan ng COVID-19.  Umabot sa 966 magsasakang nagtatanim ng palay sa nasabing bayan ang tumanggap ng Notice of Grant (NOG) simula Abril 15-17.

Ang Notice of Grant ay siyang ipapakita sa mga sangay ng MLhuillier Financial Services sa Victoria at Calapan sa loob ng 30 araw matapos itong ipagkaloob upang makuha ang pera.

Layunin ng programang ito na tulungan ang mga magsasakang naapektuhan ng pagbaba ng presyo ng palay noong nakaraang taon. Nilunsad ito noong Enero sa bayan Victoria na kung saan si Kalihim William Dar pa ang siya mismong nanguna sa pagbubukas ng programa. Ngayon, kahit na may banta ng COVID-19, nirapat na tinuloy pa rin ng Kagawaran Pagsasaka sa Rehiyon ng MIMAROPA ang pamamahagi ng ayuda upang maging karagadagang tulong na rin ngayong panahon na may krisis. 

Ang mga nasabing nakatanggap ng tulong ay mga magsasakang may 2 hektaryang palayan pababa at rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

“Ito ay malaking tulong sa mga nagbubukid kaya maraming salamat sa aming agricultural technician at DA dahil nagkaroon na kami ng panggastos sa pagpapalay,” wika ni Vegardo Magsisi, isang magpapalay.

Kasabay ng pamimigay ng tulong pinansyal, naisangguni ng mga magsasaka kay Naujan Municipal Agriculturist (MA) Racquelita Umali ang ilang katanungan ukol sa pagkuha ng universal pass o sertipikasyon para sa lokal na pagdadala ng kanilang agri-commodities.

Nakita rin ni MA Umali na nakatulong din ang programang ito sa pag-update ng database ng kanilang mga magsasaka, lalo na sa pagsasatama ng kanilang pangalan at pagkakadagdag ng mga bagong rehistradong magsasaka.

Habang namimigay ng tulong pinansyal, mahigpit pa ring ipinatupad ang social distancing protocols at pagsusuot ng mask.  Hinati-hati rin sa bawat grupo ang pagbibigyan bawat araw upang hindi magsiksikan sa lugar na pagdadausan.

Matapos naman mabigyan ang mga magsasaka nitong araw, agad naman na dumiretso ang grupo ng Rice Program sa pangunguna ni APCO Coleta Quindong sa bayan ng Pola upang ipamahala naman sa kanilang Municipal Agriculture Office ang ipapamigay na NOG.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.