Muling kinilala ng Department of Agriculture – MIMAROPA sa taunang pagbibigay parangal ang mga katangi-tanging magsasaka, mangingisda, mga asosasyon, kababaihan sa kanayunan, lokal na pamahalaan at Agricultural Extension Workers (AEWs) para sa kanilang kontribusyon sa pagpapayabong ng sektor ng agrikultura at pangingisda sa Rehiyong MIMAROPA.
Ang prestihiyosong pagbibigay parangal ng Gawad Saka, Quality Corn at Rice Achievers, Rural Woman at Assisting AEWs ay ginanap sa CityState Hotel, Ermita, Manila noong ika-6 ng Nobyembre taong kasalukuyan.
“Kami sa kagawaran ay masaya dahil patuloy pa din ang pagdami ng mga kagaya ninyong mga awardee. Nawa’y magsilbi kayong mga inspirasyon sa mga kapwa ninyo na magsasaka at mangingisda na magpatuloy sa iyong propesyon. Kung wala kayo, magugutom kami lahat,” pahayag ni Dir. Gerundio, Rehiyong Patnugot, DA- MiMaRoPa
Labing-tatlo (13) ang kinilala sa Gawad Saka. Kabilang sa pinarangalan ay sina: Carmelito Condesa mula sa Roxas, Palawan bilang Oustanding Rice Farmer Adopting Integrated Rice-Based Farming System; Nelson B. Gabutero ng Bongabong, Oriental Mindoro bilang Outstanding Organic Farmer; Librada L. Fuertes ng DA-Palawan Experiment Station bilang Oustanding Agricultural Researcher; RIC Comunal Chapter ng Calapan City bilang Outstanding Rural Improvement Club; Buenaventura P. Trinidad ng Sofronio Española, Palawan bilang Oustanding Fisherfolk – Aquaculture Category at ang Rizal, Occidental Mindoro MFARMC ng bilang Municipal Fisheries & Aquatic Resources Management Council.
Mula naman sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro ay sina Joel G. Goupio bilang Oustanding Corn Farmer, Consolacion U. Bergonia bilang Outstanding Coconut Farmer, Jerry B. Andaya bilang Oustanding Fisherfolk – Capture Category, at ang Samahang Gumagawa Tungong Tagumpay (SAGUTT) Multi-Purpose Cooperative bilang Outstanding Small Farmer Organization.
Kabilang din sa nabigyan ng parangal mula sa bayang ng San Jose, Occidental Mindoro ay sina Ricardo D. Diosay bilang Outstanding High Value Crop Farmer, Jose Ramil R. Cereño bilang Oustanding Small Animal Raiser at ang San Jose, Occidental Mindoro MAFC bilang Oustanding Municipal Agriculture and Fishery Council.
Maliban sa plaque, lahat ng indibidwal na pinarangalan ay nagkamit ng Php 50,000.00. Samantalang ang mga grupo o asosasyon ay nakapag-uwi ng Php 75,000.00.
Samantala, si Majeline F. Arenillo ng Bongabong, Oriental Mindoro ay kinilala bilang katangi-tanging babae sa pagsasaka at pangingisda sa kanayunan. Siya ay nakapag-uwi ng Php 30,000.00 at plake.
Dalawamput-tatlo (23) Quality Corn Achievers ay kinilala rin at nabigyan ng cash award na Php 10,000.00. Mula sa probinsya ng Occidental Mindoro, binigyan ng parangal sina: Adora F. Dimasacat at Amelita S. Apoderado ng San Jose; Maricris S. Pangatungan, Nerissa G. Arellano at Maila I. Delos Santos ng Sablayan; Darius N. Torriana, Henry B. Sualog, Richmond Z. Paningbatan at Roxane S. Tuscano ng Sta. Cruz at sina Dante S. Basilio, Enrique I. Arile At Ricardo E. Robles ng Abra de Ilog.
Ang probinsya ng Palawan ay mayroon ring anim (6) na awardees. Sina Jerry T. Sotabinto at Aldrin Nikko A. Quintano mula sa Narra, Jaena V. Conales ng Rizal, Manilyn D. Tinay ng Roxas, Errol John Y. Palermo ng Aborlan at Renelito F. Diwa ng Taytay.
Mula naman sa Marinduque ay sina: Alvin P. Rivadeniera ng Gasan, Dahlia L. Matre ng Boac at Lobella P. Caraig ng Sta. Cruz. Kabilang rin sa pinarangalan sina Jhoan A. Escalona-Ortega mula sa Naujan, Oriental Mindoro at Wally Boy F. Falcutila ng Odiongan, Romblon.
Kinilala at binigyan rin ng parangal ang dalawang (2) Oustanding Rice Achievers Awardee mula sa Boac at Gasan, Marinduque na sina Ederlinda V. Jasmin at Ma. Tessa A. Llaguno.
Maliban sa mga awardees, binigyan din ng parangal, cash award at plaque ang mga AEWs na tumulong sa mga awardees upang mas lalo silang maging inspirado sa pagtulong sa pagpapa-unlad at pagpaparami ng mga modelong magsasaka.
Kasama sa mga dumalo sa nasabing gawain upang magbigay suporta sa mga nagwagi ay sina Regional Executive Director Antonio G. Gerundio, Regional Technical Director for Research and Regulations Louella Rowena J. Lorenzana, RTD for Operations Elmer T. Ferry at Operations Division Chief Ronie F. Panoy kasama ang mga Agricultural Program Coordinating Officer ng bawat probinsya.
Dumalo rin ang Regional Manager ng Philippine Coconut Authority na si Dennis Andres at ang Regional Director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na si Elizer S. Salilig.
Samantala, masayang inanunsyo ng Regional Gawad Saka Coordinator na si Baby Clariza M. San Felipe ang pagkakapanalo ng dalawang Gawad Saka nominee sa National Level upang mas lalong magpursige ang iba at maging inspirasyon pa sa maraming magsasaka at mangingisda sa rehiyon.