News and Events

DA USec Medrano binigyan diin ang pagpapalakas, dibersipikasyon ng industriya ng paghahayupan sa Palawan

DA USec Medrano binigyan diin ang pagpapalakas, dibersipikasyon ng industriya ng paghahayupan sa Palawan

Nakipagpulong si DA Undersecretary for Livestock William C. Medrano sa mga livestock stakeholders sa Palawan upang magbigay ng suporta sa mga programang magpapalakas sa industriya ng livestock sa Palawan sa pamamagitan ng mga diversification program. 

Kasama nya sa kanyang tatlong araw na pagbisita ang mga kinatawan mula sa ahensya ng National Livestock Program na sina Dr. Reildrin G. Morales, Director ng Bureau of Animal Industry, Dr. Ferrel Benjelix Magtoto, Administrator ng  National Dairy Authority, Dr. Ronnie Domingo, Executive Director ng Philippine Carabao Center at ang DA MiMaRoPa Regional Executive Director Antonio G. Gerundio. Ang gawaing ito ay inorganisa ng mga stakeholders sa pangunguna ni Dr. Edgardo Castillo, isang Agricultural Researcher at kasalukuyang Dean sa Fullbright College. 

Una nang nakipagpulong sina USEC Medrano sa iba't ibang pampubliko at pribadong livestock development stakeholders tulad ng SIDC (Sorosoro Ibaba Development Coopertive), DSD Farm, Fullbright College, Tarabidan Association, Palawan Swine Producers Association, Provincial Veterinary Office, City Veterinary Office at DA- PRES Office para sa konsultasyon ng panukalang ADD LIFE Program sa Palawan. (ADD LIFE- Accelerating the Development and Diversification of Livestock-based Industries for Farmers Engagement). 

Sa pagpupulong na ito ay inilahad ni G. Ariel C. Colongon, ang OIC ng Dairy Production and Development Center (DPDC) and tungkol sa kalagayan ng livestock and poultry production sa Palawan. Tinalakay naman ni Dr. Indira Santiago mula sa Puerto Princesa City Veterinary Office ang tungkol sa Livestock Re-population Program sa Lungsod ng Puerto Princesa. Isa sa mga private stakeholder na may-ari ng DSD Farm, si G. Danilo Vertudazo ay nagbahagi din ng mga plano at proyekto sa Livestock/Poultry breeding farm  para sa Southern Palawan. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng talakayan tungkol sa mga posibleng DA-LGU-Stakeholders Project sa Livestock/Poultry sa Puerto Princesa at Palawan. 

Huling naghayag ng mensahe si USEC Medrano, kinumbinsi nya ang private sector na manguna sa swine commercialization project at pakikipag-ugnayan sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines. Titingnan din niya ang posibilidad na makabahagi ang Palawan sa pondo ng Recovery at Expansion ng Livestock Program. Binigyan diin niya rin ang pagpoprodyus ng lokal na pampakain sa mga hayop. 

“Para mapalakas ang produksyon sa livestock, swine at poultry ay dapat na palakasin din ang produksyon ng local feeds resources tulad ng mais at soybeans. Bilang isang island province, ang Palawan ay dapat na maglayon na magkaroon ng food sufficiency at food sovereignty,” kanyang sinabi. 

Pinarating niya rin ang kanyang pasasalamat sa DA at Veterinary Office sa maigting na pagbabantay upang manatiling nasa Green Zone o African Swine Fever (ASF) Free ang Palawan.

Sumunod na binisita nila ang DSD Farm na pag-aari ni G. Danilo Vertudazo sa bayan ng Bataraza upang pag-usapan ang mga potensyal na proyekto tungkol sa pagpaparami ng baka, manok at kambing na makakatulong upang masuportahan ang merkado sa loob at labas ng lalawigan ng Palawan.

Sa huling araw ay bumisita sila sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF). Ito ay may 28 libong ektaryang lupain na nakalaan para sa mga proyektong pang agrikultura. Sa kanilang pagpupulong sa mga tauhan ng  IPPF  sa pangunguna ng Hepe ng Work and Livelihood Program na si Teddy Martin at  IPPF Superintendent Joel R. Calvelo ay kanilang tinalakay ang mga posibleng proyektong pang agrikultura at pangisdaan na maaring pagtulungan ng DA at IPPF. 

Nagbigay ng mensahe ang Direktor ng Philippine Carabao Center na si Dr. Ronnie Domingo na nakatuon sa new thinking in agriculture para sa masaganang ani at mataas na kita. 

Samantala, nagpahayag naman si DA MiMaRoPa Executive Director Antonio Gerundio ng suporta sa institusyon, “dapat lahat ng sektor ng lipunan kasama ang mga PDL o Person Deprived of Liberty ay magkaroon ng pag-asa at sa kanilang paglaya ay magiging kapakipakinabang sila sa kanilang pamilya at komunidad. Dapat walang maiiwan sa pag-unlad.  Sinisiguro namin na ang Kagawaran ng Pagsasaka ay nakahandang magbigay ng suporta sa IPPF”.

Nakita naman ni  USEC Medrano ang lawak ng lupain IPPF na maaring gawing modelo para sa Clustering and Consolidation Program ng ONE DA Reform Agenda. Binigyang diin nya din ang kahalagahan ng Public-Private Partnership para sa mga nakaabang na panukalang proyekto ng IPPF na nakatuon sa pagbibigay ng pag-asa sa likod ng mga rehas na bakal (HOPE BEHIND BARS).

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.