News and Events

DA namahagi ng mga makinarya sa OcciMin na nagkakahalagang P14.5-M
Paga-abot ng sertipiko para sa makinaryang binigay sa Pagkakaisa Baraas Farmers Association sa bayan ng Sta. Cruz.

DA namahagi ng mga makinarya sa OcciMin na nagkakahalagang P14.5-M

Namahagi ang Kagawaran ng Pagsasaka (DA-MIMAROPA) ng mga makinarayang pang-agrikultura na umabot sa P14-M sa probinsiya ng Occidental Mindoro noong Hulyo 28-29.

Ang mga makinarya ay mula sa Corn Program kung saan tinanggap ito ng iba’t ibang samahan ng mga magsasaka sa bayan ng Sablayan at Sta. Cruz. Dalawang (2)Four Wheel Drive Tractor 90hp (P2.08M bawat isa) para sa Bagong Pag-asa Multi-Purpose Cooperative at Landmark Corn & Rice Growers Association sa Pinagturilan, Sta. Cruz; Pneumatic 4-Row Corn Planter (P1.64M) na tinanggap ng Landmark Corn & Rice Growers Association; tig-isang Combine Harvester (P1.9M para sa San Miguel Multi-Purpose Cooperative sa Sablayan at  Gintong Butil Farmers Association, Pinagturilan,Sta. Cruz; Mobile Dryer (8T) (P3.4M) para sa Salagan Vegetable Rice Corn Farmers Association, Casague, Sta. Cruz; Pump & Engine Set tinanggap ng Viga Crossing Farmers Association sa Sta. Cruz; tig-isang Pump & Engine Set (P99,500.00 bawat isa) para sa  Viga Crossing Farmers Association

at Pagkakaisa Baraas Farmers Association sa Sta. Cruz.

Dagdag pa rito ay namigay din ang High Value Crops Development Program ng 1 Four-Wheel Drive Tractor (P1.09M) sa Sta. Fe Quartel 1 Farmers Association sa bayan ng San Jose.

Ang pamimigay ng makinarya ay alinsunod programa at walong pananaw ng agrikultura ni Kalihim William Dar kung saan layunin nito na ang pag-modernisa ng mga pamamaraan sa agrikultura upang mas padaliin at bawasan ang production lost ng mga magssasaka.

Nilibot ng grupo ng DA-MIMAROPA sa pangunguna ni Regional Executive Director Antonio Gerundio at ni Engr. Christine Inting, Division Head, Regional Agricultural Engineering Division, ang bawat barangay kung nasaan ang mga nabanggit na mga samahan ng mga magsasaka.

Tatlong punto ang iiniiwan ni RED Gerundio sa kanyang mensahe sa bawat samahan na nabigyan ng mga makinarya, ito ang pagpapalakas ng samahan, paggamit ng makinarya at ang pag-aaral ng suplay at value chain ng kanilang mga produkto.

“Ang sabi ng Secretary (William Dar) ay hindi lang pasaganahin ang inyong ani kundi, pataasin rin ang inyong kita kaya maabot lang natin ito kung papalakasin ninyo ang inyong samahan, gumamamit ng mga makabagong makinarya, and to integrate all your activities in the production to the market para ma-secure ninyo ang inyong kita,” kanyang pagbabahagi.  

Kasama rin sa pamamahagi si Congresswoman Josephine Sato, Vice Governor Peter Alfaro, at kinatawan ni Governor Eduardo Gadiano na si Ryan Sioson na kanyang Executive Secretary.   

Pinuri ni Congressman Sato ang mga magsasaka sa kanyang mensahe dahil sa masaganang produksiyon sa lalawigan na kung saan ay nakakaabot sa iba’t ibang lugar ng bansa.

“Yung kasagsagan ng (Bagyong) Ursula, tumawag ang Visayas, tumawag ang Bicol nakikiusap sila na suplayan sila ng bigas dahil wala silang makain. Kasagsagan ng bagyo dalawang barge ng NFA ang dumating at tumulak ng Visayas at Bicol. Kaya Salamat sa inyo dahil kayo po ang tunay na bayani ng ating bansa dahil kayo lagi ang naninindigan upang magkaroon ng pagkain at pag-asa ang ating kapwa Filipino sa labas ng ating lalawigan kaya yan po ang kinikilala at nagkakaroon tayo ng mga ganitong biyaya dahil sa inyong kabayanihan,” kanyang pagpupuri.

Mainit din tinanggap ng bawat Mayor at Kapitan ng mga bayan at barangay ang grupo ng Kagawaran bilang kanilang pasasalamat sa ayudang natanggap ng kanilang mga magsasaka.

Iniwan naman ni Mr. Sioson at Cong Sato ang mensahe ng pagkakaisa ng mga samahan.

“Sana po ang makinaryang inyong natanggap ay maging monumento ng pagkakaisa at hindi ng pagkakabuklod-buklod,” paglalahad ni Mr. Sioson.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.