News and Events

DA MIMAROPA nagsagawa ng Workshop para sa CIP ng Marinduque
Larawan ng ginanap na workshop para sa Commodity Investment Plan ng probinsya kasama ang PLGUs, LGUs, PCA, MSC, BFAR, ATI, APCO at DA MIMAROPA sa pangunguna ni RTD Elmer Ferry, Planning Division at PRDP MIMAROPA Planning Officers.

DA MIMAROPA nagsagawa ng Workshop para sa CIP ng Marinduque

Bilang paghahanda para sa implementasyon ng Provincial Agriculture and Fishery Extension System (PAFES) o sa buong pag-iimplementa ng Mandanas-Garcia Ruling, nagsagawa ang Department of Agriculture – MIMAROPA ng workshop para sa Municipal Commodity Investment Plan (MCIP) at Provincial Commodity Investment Plan (PCIP) sa Boac Hotel, Boac, Marinduque noong ika – 18 ng Abril taong kasalukuyan.

Ang Commodity Investment Plan (CIP) ay isang mahalagang proseso sa pagpili ng mga commodity na tututukan at bibigyang prayoridad. Ito ang magiging basehan sa pagbibigay ng interventions o proyektong makakatulong na batay sa prioritized commodities ng bawat munisipyo at probinsya.

Ang resulta nito ay ang magiging basehan sa Mapping-Out ng Collaborative Province-Lead Agricultural and Fishery Extension Program (CPAFEP) – ang huling phase para sa implementasyon ng PAFES.

“Napakahalaga ng ating pagbabalangkas ng CIP sapagkat ito ay isang mahalagang sangkap sa darating na Mandanas-Garcia Ruling sa taong 2023. Yakapin natin ang kahalagahan ng pagpaplanong gagawin kasi kung wala ito ay di tayo uusad,” wika ni Regional Technical Director for Operations/PAFES Focal Person Engr. Elmer T. Ferry.

Ayon din kay RTD Ferry, isang napakalaking pakinabang ng pagkakaroon ng priority commodity program ay ang pagkakaroon ng siguradong buyer. Hindi na magtatanim o mag-aalaga ang mga magsasaka at mangisda ng produktong wala namang kasiguraduhang merkado.

Nagkaroon rin ng diskusyon kasama ang Agricultural Training Institute (ATI) MIMAROPA sa proseso ng pagpili ng magiging learning site sa probinsya. Ito ang magsisilbing lugar kung saan maipapakita at pagsasagawa ng testing, adaptation, at on-farm/on-coast demonstration of new, improved and climate-resillient technologies na pang-agrikultura at pangpalaisdaan base sa kanilang prayoridad na mga commodity.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni RTD Ferry katuwang ang Planning Division sa pangunguna ni Dr. Nex Basi at sa tulong nina Planning Specialist Timoteo Borromeo at Philippine Rural Development Project (PRDP) Planning Officers Faith Janica Manalo at Gerely Llanos bilang resource speakers.

Ito ay dinaluhan ng Agricultural Program Coordinating Office, Provincial Local Government Unit (PGO), anim (6) Municipal Local Government Units (LGU), Philippine Coconut Authority (PCA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Marinduque State College (MSC).

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.