News and Events

DA, Matagumpay na Naisagawa ang 16th NOAC!
Ang mga kinatawan ng Rehiyong MiMaRoPa kasama ang Regional OA Focal Person na si Mr. Michael Graciano Iledan (green polo shirt).

DA, Matagumpay na Naisagawa ang 16th NOAC!

Matagumpay na naisagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) ang ika-16 na National Organic Agriculture Congress (NOAC) na may temang OA4k: Organikong Agrikultura sa Kumikitang Kabuhayan para sa Kalusugan at Kapaligiran na ginanap sa Bayan ng Alfonso, Cavite noong ika- 11 hanggang ika -15 ng nobymebre 2019.

Ang NOAC ay dinaluhan ng mga kinatawan ng mga iba’t ibang tanggapan ng DA at mga kaugnay na ahensya gaya ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM), Agricultural Training Institute (ATI), Bureau of Agricultural Research (BAR), Bureau of Plant Industry,

Kasama sa mga dumalo sa kongreso ang Kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka na si Kalihim William “Manong Willie” D. Dar, Undersecretary for High Value Crops Evelyn G. Laviña, Undersecretary Nicomedes Eleazar, National Organic Program Focal Person Engr. Christopher V. Morales, Bureau of Agriculture and Fisheries Standards Director Vivencio Mamaril, at Alfonso Cavite Mayor Randy A. Salamat.

Mula sa DA-MiMaRoPa, ang mga kinatawan ay sina Regional Technical Director for Operations Engr. Elmer T. Ferry, Regional OA Focal Person Michael Graciano Iledan, Agribusiness and Marketing Assistance Division Head Dr. Celso T. Olido kasama sina Occidental Mindoro OA Focal Person Jehu Michael Barrientos at Marinduque OA Focal Person MS. Charry Malco.

Masayang ibinalita ni Manong Willie ang kanyang pagsuporta sa Organikong Pagsasaka. “Naniniwala ako na sa tulong ng makabagong teknolohiya ay mas mapapaunlad natin ang Organikong pagsasaka”. Dagdag pa ni Sec. Dar na ang merkado sa mga organikong produkto ay umaabot na sa $97 million.

Isa sa mga naging tampok sa kaganapang ito ay ang 16th National Organic Agriculture Awards na kung saan ay binigyang pagkilala si Ginoong Nelson Gabutero Bilang Gawad Saka Outstanding Organic Farmer para sa taong 2019. Si G. Gabutero ay bibigyang parangal ng Pangulo sa Malacañang.

Upang mas mialapit ang mga dumalo sa Organikong Pagsasaka, nagkaroon ngpagkakataon ang mga dumalo sa kongreso na bumisita sa mga organic farms upang makakalap ng dagdag na kaalaman ukol sa OA. Ang mga farm ay ang mag sumsunod: Santuario Nature Farm, Luntiang republika Eco Farm, Brookside Hills Leisure Farm, Taal Maranan’s Farmville at Lukong Valley Farm. Ang mga nabanggit at akreditado ng ATI at DA.

Ilan pa sa mga naganap sa NOAC ay ang mga seminar tungkol sa Pagsasaliksik, mga Polisiya, merkado, at mga teknolohiya na isinusulong ng OA at mga pagsusulong ng mga resolusyon na iaakyat sa kongresso upang mas mapaigting ang pagpapalakas ng OA sa bansa.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.