News and Events

Tatlong delegado ng YFC MIMAROPA nagwagi sa ginanap na Young Farmers Challenge Program Season 5 National Awarding Ceremony

Tatlong delegado ng YFC MIMAROPA nagwagi sa ginanap na Young Farmers Challenge Program Season 5 National Awarding Ceremony

Nagwagi ang tatlong kabataang delegado mula sa YFC MIMAROPA sa Young Farmers Challenge Program Season 5 National Awarding Ceremony na isinagawa ng Department of Agriculture, kung saan nag-uwi sila ng kabuuang PhP 1.15 milyon na grant para sa kanilang mga agri-fishery enterprises.


Tinanghal na kampeon sa Production Category ang Imperanza Fish Production mula sa San Jose, Occidental Mindoro at tumanggap ng PhP 300,000 na grant. Bukod dito, pinarangalan din si Vermhon Imperial ng Social Innovation Award na may karagdagang PhP 50,000 dahil sa kanyang makabagong kontribusyon sa sektor.


Samantala, nasungkit ng Palatak Palay Seeder Rental and Farm Goods mula sa Pinamalayan, Oriental Mindoro ang ikatlong puwesto sa Non-Food Processing Category. Tinanggap ni Zyrah Megan Cupiado ang PhP 300,000 na grant para sa nasabing pagkilala.


Sa Intercollegiate Category, nagkamit ng ikalawang puwesto ang FRS Bignay Bliss nina Rona Fetalco, Rodgie Saway, at Berly Rivadavia ng Pola Community College, at tumanggap ng PhP 500,000 na grant.


Layunin ng Young Farmers Challenge na hikayatin ang mas maraming kabataan na pumasok sa agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng puhunan at suporta sa pagpapaunlad ng kanilang mga negosyo. Sa kasalukuyan, bukas na ang Season 6 ng programa para sa mga kabataang nagnanais magsimula ng kanilang sariling agri-fishery enterprise. Maaaring magparehistro sa pamamagitan ng pre-registration form na ito: https://forms.gle/4hTt8tkCYVGs5L9P8.

#MasaganangBagongPilipinas 

#BagongPilipinas

#YFC

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.