News and Events

Mahigit Php1.9M na halaga ng interbensyon, pinagkaloob sa 2 samahan sa Santa Maria, Romblon

Sa layuning pataasin ang produksyon at kita ng mga magsasaka, nagkaloob ang Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program Phase 2 sa MIMAROPA ng iba’t – ibang suportang pangkabuhayan sa dalawang (2) samahan ng magsasaka sa bayan ng Santa Maria, Romblon kamakailan.

Tumanggap ang Bonga Farmers and Fisherfolks Association ng tiller cultivator, mga pananim na mani, ube, at luya, at timbangan, habang pinagkaloob naman sa Concepcion Sur Farmers and Fisherfolks Association ang poultry house, tri-wheel hauling vehicle, mga sisiw para sa broiler production, rechargeable solar lights, at ice box cooler.

Dumalo sa turnover ceremony ang mga lokal na opisyal kabilang sina Mayor Lorilie M. Fabon, Provincial Agriculturist Relly Diokno, si G. Jun Fiedacan bilang kinatawan ni Governor Trina F. Fabic, Municipal Agriculturist Engr. Ramel L. Fabon, at Romblon Agricultural Program Coordinating Officer Engr. Analiza A. Escarilla. Hinikayat nila ang mga benepisyaryo na pangalagaan at patuloy na paunlarin ang suportang ibinigay sa kanila.

Ayon kay Engr. Maiden Marie M. Segui, FPL Cluster Lead ng DA-SAAD MIMAROPA, layunin ng pamamahagi na mapataas ang produksiyon ng mga samahan, masuportahan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan, at mapatatag ang kanilang kabuhayan.

“Ang gusto po natin, ‘yong produksyon po ninyo ay mapataas po natin, matustusan ang inyong araw-araw na pamumuhay, mapataas ang food production, at magkaroon kayo ng livelihood. Sana po ay tuloy-tuloy ang ating pagbabayanihan,” ani Segui.

Ibinahagi naman ni Rogel Moreno, pangulo ng Bonga FFA, na makatutulong nang malaki ang mga kagamitang natanggap sa pagpapababa ng kanilang gastos sa produksyon.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng interventions na ibinigay ni SAAD. Hindi na kami bibili ng pantanim. Kung hindi dahil sa SAAD, hindi nabuo ang aming asosasyon at hindi kami nabigyan lahat ng mga tulong,” pahayag ni Moreno.

Ipinahayag din ng lokal na pamahalaan ng Santa Maria ang kanilang patuloy na suporta sa SAAD Program.

“Nakakatuwa lang na ‘yong aming adhikain sa Pamahalaang Bayan ng Santa Maria ay sumabay din ‘yong layunin ng national government agencies, lalo na ng DA-SAAD, na magkaroon ng mga grupong magiging community-based enterprise. Kaya sinusuportahan namin ito nang buo dahil iisa lang naman kami ng layuning nais makamit,” ayon kay Engr. Ramel L. Fabon, Municipal Agriculturist.

Bukod sa Bonga at Concepcion Sur FFAs, apat (4) pang samahan ng mga magsasaka sa nasabing munisipalidad ang kabilang rin sa SAAD Program sa naturang bayan. 

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.