News and Events

Kauna-unahang Mobile Soil Laboratory ng Rehiyon, Ipinagkaloob ng DA-MIMAROPA sa Palawan

Kauna-unahang Mobile Soil Laboratory ng Rehiyon, Ipinagkaloob ng DA-MIMAROPA sa Palawan

Pormal nang binasbasan at pinasinayaan ang kauna-unahang Mobile Soil Laboratory na kaloob ng Department of Agriculture – MIMAROPA at Bureau of Soils and Water Management (BSWM) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, Lungsod ng Puerto Princesa, ika18 ng Marso.

 Ang Mobile Soil Laboratory ang natatanging unit na ipinagkaloob ng DA-MIMAROPA sa rehiyon, kung saan ang lalawigan ng Palawan ang napiling maging benepisyaryo. Layunin nitong mailapit ang serbisyo ng pagsusuri ng lupa sa mga magsasaka sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan sa pamamagitan ng aktwal na pag-iikot nito sa mga komunidad.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni RTD Ma. Theresa Aguilar ang kahalagahan ng mobile laboratory sa pagbibigay ng serbisyo sa mga magsasaka.  “Through this equipment, nailalapit natin ang technology sa mga farmers. For years, tayo po ay nagte-test sa laboratory dito sa Puerto Princesa at dinadala pa ang mga sample mula sa mga munisipyo. Ngayon, we are changing the situation—tayo na po ang lalapit. That way, makakapag-conduct tayo ng rapid testing base sa actual na kondisyon ng lupa, at mas mabilis na po tayong makakapagbigay ng tamang rekomendasyon sa paggamit ng fertilizers,” kanyang sinabi.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Governor Alvarez. Aniya, “Maraming salamat po sa natanggap naming Mobile Soil Laboratory. Palawan is the largest province in the Philippines and everything here is all agriculture kaya napakalaking tulong nito para sa soil health ng iba’t ibang areas natin dito.”

Kabilang sa kakayahan ng Mobile Soil Laboratory ang pagsusuri ng chemical, physical, at microbiological parameters ng lupa. Sa tulong nito, mas madaling matukoy ang tunay na kalagayan ng lupa at maisagawa ang tamang pamamahala nito, na magreresulta sa mas mataas at de-kalidad na ani.

Inaasahang sa pamamagitan ng inisyatibong ito, mas mapapalakas ang produksyon at mas matutulungan ang mga magsasaka tungo sa isang mas matatag at sustenableng sektor ng agrikultura sa Palawan.

Pinangunahan ang seremonya ni Palawan Governor Amy Roa Alvarez kasama si DA-MIMAROPA Regional Technical Director for Research and Regulations Ma. Theresa Aguilar, Integrated Laboratory Division (ILD) Chief Dr. Cristina Sagun, Regional Soils Laboratory Chief Michael De Jesus, at ilang kawani mula sa Palawan Soils Laboratory (PSL) at Regional Crop Protection Center (RCPC).

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.