News and Events

Kauna-unahang KADIWA Store sa Socorro, Oriental Mindoro, binuksan na; Bigas na Php20/kilo, tampok!

Kauna-unahang KADIWA Store sa Socorro, Oriental Mindoro, binuksan na; Bigas na Php20/kilo, tampok!

Opisyal nang binuksan ang kauna-unahang KADIWA store sa bayan ng Socorro, Oriental Mindoro na matatagpuan sa Brgy. Calocmoy, sa ilalim ng pamamahala ng Sandigan ng mga Manggagawa sa Kanayunan sa Agrikultura (SAMAKA).

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng programa ng Department of Agriculture (DA) MIMAROPA upang direktang ikonekta ang mga magsasaka sa mga mamimili, kung saan pinangunahan ni KADIWA Focal Person Jogilyn Bentoy, bilang kinatawan ni Regional Executive Director Atty. Christopher Bañas, ang ribbon cutting kasama si Board Member Ryan Arago at mga opisyal ng samahan. Naging tampok sa pagbubukas ng tindahan ang pagbebenta ng de-kalidad na bigas sa halagang P20 kada kilo.

Isa ang residenteng si Lualhati Hernandez sa mga unang nakinabang matapos siyang makabili ng sampung kilong bigas sa halagang P200 lamang, isang malaking bawas sa gastusin kumpara sa presyo sa mga pampublikong pamilihan. Ayon sa kanya, ang pagkakaroon ng murang bigas na may kasama pang sariwang gulay sa iisang lugar ay isang malaking ginhawa para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

“Malaking katulungan ito sa amin ang murang bigas, tapos may gulay pa. Naka-avail ako ng sampung kilong bigas sa halagang bente pesos kada kilo,” aniya.

Binigyang-diin naman ng SAMAKA na upang mapanatili ang mababang presyo ng bigas sa kanilang tindahan, kinakailangan ang suporta ng komunidad sa iba pa nilang mga produkto. Hinihikayat ang mga residente na tangkilikin din ang kanilang mga itinitindang sari-saring gulay at iba pang basic commodities na mabibili rin sa murang halaga.

Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa KADIWA store, hindi lamang nakakatipid ang mga mamimili, kundi direktang natutulungan din ang mga lokal na magsasaka sa SAMAKA na mapalago ang kanilang kabuhayan at mapanatili ang operasyon ng tindahan para sa mas matagal na panahon.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.