Pinangunahan Ng Department of Agriculture (DA) MIMAROPA[1] ang pamamahagi ng ibat’t ibang interbensyong pang agrikultura na nagkakahalaga ng P7, 370,594.25 sa ilalim ng High-Value Crops Development Program (HVCDP) at Quick Response Fund sa ilalim naman ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Unit (QRF/RDRRM) noong ika-19 ng Setyembre 2025 sa Magsaysay Gymnasium, Magsaysay, Occidental Mindoro.
Alinsunod ito sa programa ni Kalihim Francisco Tiu-Laurel Jr. Na mapalakas ang sektor ng magsasaka sa rehiyon at matulungan ang mga magsasaka na naapektuhan ng drought noong 2023-2024 at harabas sa mga magsisibuyas.
Ipinamahagi sa[2] programang nabanggit ang mga red onion seed, pheromone lures, garlic planting materials at foritifed organic fertilizer na malaki ang maitutulong para makabawas sa mga gastusin ng mga magsasaka na sakop ng Occidental Mindoro.
Sa ilalim ng HVCDP, nakatanggap ng sertipiko ang mga sumusunod na samahan: Salvacion United Farmers MPC ng Rizal; KAAKIBAT MPC, Murtha Agriculture Cooperative, at Tamaraw Development Cooperative mula sa San Jose; Kanlurang Mindoro MPC, Magsaysay; Calintaan Allium Growers Cooperative, Calintaan Seed Growers Cooperative ng Calintaan; at SAGUTT MPC, Sablayan.
Ayon kay Ramon Silverio, ang Chairman ng KAAKIBAT MPC, nagpapasalamat ang kanilang Samahan sa ating pangulong BBM, sa ating DA Secretary at sa ating DA Regional Office,sa ating regional Director HVC Department, sa Provincial Agriculture Office at sa Municipal Agriculture Office. “Napakalaking tulong sa aming magsasaka,upang makabangon muli sa aming pagkalugi noong nakaraang taniman na sinalanta po ng "HARABAS"at sana po ay patuloy nyong kalingaing ang magsasa savbuong Pilipinas,MARAMING SALAMAT PO.” Dagdag pa ni Silverio.
Samantala, sa QRF sa ilalim ng RDRRM, nakatanggap naman ng Certificate of Turnover para sa red onion seeds, pheromone lures at Insect Biodiversity Trap (IBT) ang mga lokal na pamahalaan ng Sablayan, Sta. Cruz, San Jose at Rizal.
Nagkaroon din ng pamamahagi ng mga plastic crates na nagkakahalaga ng P99,434.00 para sa dalawang asosasyon ng Sablayan na Lakas Culasisi Magsasakang Katutubo at Malno Luwalhati Farmers Association na mula naman sa NUPAP (National Urban and Peri-Urban Agriculture Program sa ilalim din ng HVCDP.
