News and Events

Mahigit P1.71M Halaga ng Makinaryang Pangsakahan, Ipinagkaloob sa mga Magsasaka ng Mais sa Palawan

Mahigit P1.71M Halaga ng Makinaryang Pangsakahan, Ipinagkaloob sa mga Magsasaka ng Mais sa Palawan

Umabot sa P1.71M ang kabuuang halaga ng makinaryang pangsakahan ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture(DA)-MIMAROPA sa mga piling samahan ng mga magsasaka ng mais mula sa iba’t ibang bayan sa Palawan, ika-26 ng Agosto.  Ang mga makinarya ay kinabibilangan ng 10 pump engines at apat na hammer mill ang naipamahagi sa labing-apat (14) na samahan.

Isinagawa ang turnover ceremony sa DA-Palawan Research and Experiment Station (DA-PRES) sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ang programa ay sa ilalim ng Corn and Cassava Program na may layunin na mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka sa irigasyon at pagpoproseso ng mais at pakain, upang mas maging episyente ang produksyon at makapagbigay ng dagdag na halagasa kanilang ani sa pamamagitan ng feed processing.

Ipinaliwanag ni Assistant Provincial Agriculturist Arthiel K. Rodriguez na ang pamamahagi ng makinarya ng DA ay hakbang tungo sa mas malawak na suporta, hindi lamang sa produksyon ng mais kundi maging sa lokal na paggawa ng pakain para sa hayop.

“Ang mga pangunahing pagkain ng hayop dito sa Palawan ay kadalasang nagmumula pa sa Iloilo at Maynila kaya napakamahal ng halaga ng mga ito. Kung dito mismo sa Palawan makakapag-produce ng feed gamit ang mga makinaryang ipinagkaloob, mababawasan ang gastos at mas makikinabang ang ating mga magsasaka,” ani Rodriguez.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Ruben Namia, isa sa mga benepisyaryo mula sa Quezon, Palawan, para sa natanggap nilang pump engine na magagamit ng kanilang samahan.

“Malaking tulong po sa association namin ang ibinigay ng Department of Agriculture lalo na sa MIMAROPA sa pangunguna ni Atty. Christopher Bañas. Napakahalaga po nitong water pump sapagkat tuwing tag-init, kailangan po namin ng sapat na patubig para sa aming mga tanim na mais,” pahayag ni Namia.

Ang turnover ng mga makinarya ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Department of Agriculture upang mapataas ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Palawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na teknolohiya at kagamitang makatutulong sa pagpapababa ng gastos, pagpapahusay ng ani, at pagpapatibay ng seguridad sa pagkain.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.