News and Events

21 hog raisers sa San Jose, Romblon, sinanay sa modernong pagbababuyan

21 hog raisers sa San Jose, Romblon, sinanay sa modernong pagbababuyan

Bilang bahagi ng pagpapabuti ng mga pamamaraan sa produksyon ng baboy, dalawampu’t isang (21) miyembro ng San Jose Swine Raisers Association (SJSRA) ang lumahok sa Specialized Training on Swine Production, Raising, and Health Management sa ilalim ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Phase 2. Idinaos ang aktibidad noong Abril 24 sa San Jose, Romblon.

Naging tagapagsanay si Associate Professor Ruel Galvero mula sa Romblon State University – College of Agriculture, Forestry, and Environmental Sciences (RSU-CAFES). Tinalakay niya ang mahahalagang paksa hinggil sa makabagong pamamaraan ng pag-aalaga ng mga baboy gaya ng  farm planning, iba’t ibang production systems tulad ng backyard, semi-commercial, at commercial operations, gayundin ang wastong herd management.

Binigyang-diin din sa pagsasanay ang mga biosecurity measures at kaalaman tungkol sa African Swine Fever (ASF), pati na rin ang tamang breeding, gestation management, at pag-aalaga ng biik. Inisa-isa rin ni Prof. Galvero ang wastong weaning practices, tamang pagpapakain at nutrisyon, cost-efficient feeding strategies, feed storage, at water management sa pagbababuyan.

Tinalakay rin sa sesyon ang tamang disenyo ng kulungan, sanitation practices, environmental compliance, risk management, at mga pangunahing estratehiya sa marketing upang suportahan ang mas episyente at sustenableng produksyon ng baboy.

Nagpahayag ng pasasalamat ang samahan sa mga bagong kaalaman na kanilang natutunan mula pagsasanay. Ayon kay Pangulong Angela Agustin, “Malaki ang naitulong ng training upang mas maayos naming maipagpatuloy at mapabuti ang aming farm practices.”

Pinasalamatan rin nila ang patuloy na suporta ng DA-SAAD, partikular sa pagbibigay ng mga capacity-building activities tulad ng pagsasanay na nakatutulong sa pagpapabuti ng kanilang mga pamamaraan sa paghahayupan  at pangkalahatang produksyon.

Matapos ang pagsasanay, binisita ni Prof. Galvero ang communal area ng SJSRA upang personal na masuri ang kondisyon ng kanilang mga alagang baboy at makapagbigay ng mga rekomendasyon. 

Sa kasalukuyan, mayroon silang agalang dalawang (2) barako, 12 inahin, siyam (9) na fattener, at 32 biik.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.