Bilang bahagi ng pinaigting na presensya at direktang pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka, nagsagawa ang Department of AgricultureโMIMAROPA (DA-MIMAROPA), sa direktiba ni Regional Executive Director Atty. Christopher R. Baรฑas, ng masusing site visitation sa mga taniman ng sibuyas sa mga bayan ng Bulalacao at Mansalay, Oriental Mindoro upang tiyakin ang maayos na kalagayan ng mga pananim at kapakanan ng mga lokal na magsasaka.
Ang Bulalacao at Mansalay ang tanging mga bayan sa probinsya na pinagtatamnan ng sibuyas, na may kabuuang 1,363.5 ektarya. Sa lawak na ito, 1,332.9 ektarya ang matatagpuan sa Bulalacao habang 30.6 ektarya naman sa Mansalay, batay sa datos ng High Value Crops Development Program (HVCDP).
Sa pangunguna ni Oriental Mindoro Agricultural Provincial Coordinating Officer (APCO) Dr. Maria Teresa B. Carido, kasama ang Task Force Sibuyas at mga kawani ng Municipal Agriculture Office (MAO), personal na inilatag sa mga magsasaka ang mga suportang maaari nilang asahan mula sa kagawaranโpatunay na ang DA ay aktibong nakatutok sa sektor ng sibuyas sa lalawigan.
Binigyang-diin ng grupo na hindi nagtatapos sa produksyon ang tulong ng ahensya. Tiniyak ng DA-MIMAROPA ang aktibong pakikipagtulungan sa mga magsasaka para sa market matching ng kanilang ani. Layunin nitong direktang maiugnay ang mga asosasyon sa lehitimong mamimili at malalaking establisyimento upang matiyak ang patas na presyo at maiwasan ang pagsasamantala ng mga middleman. Ang hakbang na ito ay bahagi ng estratehiya ng ahensya upang masiguro na ang pagod ng mga magsasaka ay magbubunga ng sapat at makatarungang kita.
Kabilang sa pinakamahalagang proyektong inilatag ang cold storage facility na nagkakahalaga ng โฑ40,707,209.38. Inaasahang magiging ganap na operational ang pasilidad ngayong taon matapos makumpleto ng kooperatiba ang mga kinakailangang dokumento para sa kaukulang permit. Magsisilbi itong imbakan ng ani sa tamang temperatura upang mapanatili ang kalidad ng sibuyas habang naghihintay ng mas magandang presyo sa merkado.
Bukod dito, nauna nang nakapamahagi ang DA-MIMAROPA ng mahigit Php1.3 milyong halaga ng red onion seeds sa Baluguhan Farmfirst Community Association, SAMA KA BA, at Lower Yunot Farmers Association, kasama ang organic fertilizers at pheromone lures bilang proteksyon laban sa peste.
Ayon kay Cecilia H. Mandigma, Pangulo ng Lower Yunot Farmers Association, malaki ang papel ng kagawaran sa kanilang pagtatanim.
"Lahat ng interbensyong ibinigay sa amin ng DA ay lubos naming napapakinabangan. Ibinabahagi namin ito sa aming mga miyembro at tunay itong nakatutulong sa pagtatanim ng aming asosasyon. Maganda ang naging tubo ng mga binhing kanilang ibinahagi, at ang mga pataba ay swak sa pangangailangan ng aming pananim," pahayag ni Mandigma.
Higit pa rito, ipinaliwanag ng DA-MIMAROPA na ang tulong ay mas pinalawak pa sa pamamagitan ng Quick Response Fund (QRF), kabilang dito ang pamamahagi ng mga diversified seeds (Red at Yellow Onion), fertilizers, at Integrated Pest Management (IPM) kits upang makabangon ang mga magsasaka mula sa pinsala ng mga nagdaang sakuna at El Niรฑo, na aabot sa halagang Php26.7 milyon.ย
Sa pamamagitan ng kombinasyon ng makabagong pasilidad, de-kalidad na binhi, pondo para sa rehabilitasyon, at agresibong market matching, layunin ni RED Baรฑas na gawing mas matatag ang kabuhayan ng mga magsasaka ng sibuyas sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Atty. Christopher R. Baรฑas, โang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinalakas na monitoring ng DA-MIMAROPA upang matiyak na hindi malulugi ang mga magsasaka sa kabila ng pagbabago-bago ng presyo sa merkado.โ
