News and Events

๐”๐ฉ๐ ๐ซ๐š๐๐ž๐ ๐‚๐š๐ญ๐ญ๐ฅ๐ž ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐›๐š๐ง ๐๐ฅ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ž๐ ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ ๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž

๐”๐ฉ๐ ๐ซ๐š๐๐ž๐ ๐‚๐š๐ญ๐ญ๐ฅ๐ž ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐›๐š๐ง ๐๐ฅ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ž๐ ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ ๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž

Ginanap ang turn-over ceremony ng Livestock Economic Enterprise Development (LEED) Program na Upgraded Cattle Production ng DA-MIMAROPA sa Tuban Blessed Farmers Cooperative (TUBFARMCO) noong Abril 8, 2026 sa San Vicente, Sablayan, Occidental Mindoro.


Nagbigay ang kagawaran sa pamamagitan ng Livestock Program ng halagang 2.7M na ginamit ng asosasyon upang makabili ng 21 ulo ng baka. Ang natirang pera naman ay kanilang gagamitin upang makabili ng mga agricultural supplies, feeds, mga gamot at forage chopper na kabilang sa component ng Upgraded Cattle Production Project.


Layunin ng programang LEED na mas palakasin ang kontribusyon ng paghahayupan upang mapataas ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga Livestock and Poultry modules.


Bukod dito, nagbibigay rin ng technical assistance ang programa sa mga magsasaka upang mas mapataas ang kanilang kasanayan at kaalaman sa produksyon at value-adding enterprise upang mas mapalaki pa ang kanilang kita.


Ayon kay Roxanne Yadao ng Livestock Program, Ang LEED Program ay may sistema kung saan aalagaan ng mga piling miyembro ang 21 na baka at sa loob ng limang taon ay kailangan nilang magbalik ng 1 anak kada baka na kanilang ibabahagi sa 10 miyembro ng asosasyon na kanilang bibigyan ng tig-2 anak ng baka.ย 


Ang asosasyon rin ay nagpatayo ng bahay ng mga baka bilang kanilang counterpart. Nagsimula na rin silang magtanim napier grass upang maging tuloy-tuloy ang suplay ng pagkain ng kanilang mga natanggap na baka.


Laking pasasalamat ni Jonathan Landong, chairman ng TUBFARMCO sa kanilang mga natanggap, โ€œNagpapasalamat po kami sa DA-MIMAROPA at sa mga taong tumulong upang makatanggap kami nito. Nangangako po kami na ito ay aming pagyayamanin at pararamihin dahil ito po ay malaking tulong sa aming kooperatiba at sa buong miyembro nitoโ€, ani niya.


Pinangunahan ang aktibidad na ito ng mga kawani ng DA-MIMAROPA. Sinaksihan rin ito ni Sablayan Mayor Walter Marquez, Municipal Agriculturist Peter Gallinera at iba pang kawani ng LGU at mga miyembro ng Tuban Blessed Farmers Cooperative.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.