News and Events

𝟐𝐌 π…πˆππ€ππ‚πˆπ€π‹ 𝐆𝐑𝐀𝐍𝐓, πˆππˆππ€π†πŠπ€π‹πŽπŽπ 𝐍𝐆 𝐃𝐀 πŒπˆπŒπ€π‘πŽππ€ 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 πŠπŽπŽππ„π‘π€π“πˆππ€ 𝐒𝐀 πŽπ‚π‚πˆπŒπˆπ
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Agriculture Cooperative (itaas) mula sa Sablayan, Occidental Mindoro at New Dagupan Agrarian Reform Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (MPC) (ibaba) mula sa Calintaan, Occidental Mindoro na tumanggap ng tig-isang (1) milyong Enhanced Kadiwa Financial Grant mula sa DA MIMAROPA.

𝟐𝐌 π…πˆππ€ππ‚πˆπ€π‹ 𝐆𝐑𝐀𝐍𝐓, πˆππˆππ€π†πŠπ€π‹πŽπŽπ 𝐍𝐆 𝐃𝐀 πŒπˆπŒπ€π‘πŽππ€ 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 πŠπŽπŽππ„π‘π€π“πˆππ€ 𝐒𝐀 πŽπ‚π‚πˆπŒπˆπ

Dalawang (2) milyong halaga ng financial grant ang ipinagkaloob sa dalawang (2) kooperatiba sa lalawigan ng Occidental Mindoro noong Marso 17–18, 2026 sa ilalim ng programang Enhanced Kadiwa ng Department of Agriculture - MIMAROPA, sa pangunguna ni Regional Executive Director Atty. Christopher R. BaΓ±as.

Tinanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Agriculture Cooperative mula sa Sablayan, Occidental Mindoro ang halagang Php 1 milyon bilang trading capital na naglalayong suportahan ang kanilang operasyon sa pagnenegosyo ng palay.

Samantala, tumanggap din ng Php 1 milyon ang New Dagupan Agrarian Reform Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (MPC) sa Calintaan, Occidental Mindoro para sa pagbili ng isang unit ng rice mill, na inaasahang makatutulong sa mas maayos na pagproseso ng ani ng mga magsasaka.

Ang mga grant o tulong-pinansyal na ipinapatupad ng DA Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ay naglalayong magbigay ng kinakailangang puhunan para sa mga pangangailangang pang-operasyon ng mga Farmers' Cooperatives and Associations (FCAs). Ang mga benepisyaryo ay maaaring makatanggap ng pondo upang makabili ng mga mahahalagang kagamitan para sa kanilang pagsasaka, gayundin upang magtayo o magsaayos ng mga Kadiwa stores at mga processing center.

Ayon kay Chairman Laurencia R. Osic ng New Dagupan Agrarian Reform Beneficiaries MPC, lubos na nagpapasalamat ang kooperatiba sa DA-AMAD MIMAROPA sa pagkakaloob ng pondo sa pagbili ng isang unit ng rice mill na kanilang magagamit sa pagpapalay.Β 

β€œLubos po kaming nagpapasalamat sa DA AMAD MIMAROPA sa kanilang ipinagkaloob na isang (1) milyong trading capital. Amin po itong palalaguin at iingatan. Asahan po ninyo na ito ay magiging daan para sa paglago ng aming kooperatiba”, saad ni Gng. Marlyn C. Bautista, Chairman ng Pantawid Pamilyang Pilipino Agriculture Cooperative.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa DA MIMAROPA na sina G. Rustom Gonzaga, Focal Person ng Enhanced Kadiwa Program at Bb. Jessevy Puyawan, Market Specialist II ng parehong tanggapan. Nakibahagi rin ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan ng Sablayan at Calintaan bilang suporta sa programa.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.